TE(_!_)YN

                                     
   
Home | Galleries | Links | Mask Tutorial | Audio | Tartar sauce | BLANGKO | STORY TIME | Freedom Wall
   
                                     
   
 

STORY TIME

 
   
 

MGA BAGAY NA NAIISIP KO

IN REAL LIFE
 
Minsan naisip mo naba na etong mundong ginagalawan mo ngayon ay hindi pala eto ang tunay mong mundo, tulad  ngayon pumunta ka sa website ko at binabasa mo ito. parang mga baliw na nakikita natin oo baliw yung bang biglang tumatawa na walang nakakatawa, yung nagsasalita na wala naman kausap. yung biglang sumisigaw na wala naman dahilan. Minsan yung ibang tao pinagtatawanan sila, yung iba pinagtritripan,  yung iba  naawa, at yung iba naman ay walang pake-alam.
Sabihin na natin ilagay mo kaya yung sarili mo sa kanila, at yung time na  nakikipagbiruan ka sa mga kaibigan mo tapos tawa lang kayo ng tawa, yung bang sumasakit na yung tiyan mo sa kakatawa. tapos isipin mo hindi ito ang tunay mong mundo at ang tunay mong mundo pala ay isa kang baliw na katulad nila, tapos  etong mundong nakikita mo at nararamdaman mo ay likha lang pala ng sarili mong pagiisip.

TIME KEEPER
 
 
"TIME IS GOLD" ang madalas  sinusulat na motto sa slambook nung nasa elementary ako. hindi ko alam kung hanggang ngayon ay uso pa ang slambook. parang hindi na kasi ang uso ngyon ay friendster sa Pilipinas ha! di ko alam sa ibang bansa. Nung napanood ko yung movie ni Adam Sandler na CLICK bigla kong naala yung paulit ulit kong iniisip nung bata  ako na " ANO KAYA KUNG MAY NAG-PAPAHINTO NG ORAS" tapos iniisp ko kung yung nagpapahinto ng oras eh! anong ginagawa nya?, nagnanakaw ba sya?, nang rarape ba sya?, pumupunta sya sa crush nya para titigan lang ito ng walang nakaka alam na hahalikan nya ito?, syempre bata pa ako non. Elib talaga ako sa palabas na CLICK lalong lalo na yung writer nito kung sino ang nakaisip ng story at idea. Biruin mo iniisip ko before nagawan ng movie napahanga talaga ako. kaw anong gagawin mo kung ikaw ang time keeper?

DREAM'S

Nanaginip kaba kagabi?  nanaginip  ako before na nakakatalon ako ng mataas yung kaya kong mag luksong baka sa mga bundok at building, tapos nung huling talon ko biglang feeling ko bumigat yung gravity ng earth tapos nagising ako yun pala nalaglag ako sa higaan ko. sa tingin ko ang panaginip ay gawa lang ng ating imahinasyon, at pangarap. may mga panaginip ako na natupad yung bang nasabi ko sa sarili ko na "Parang nagyari na ito ah?" at "Parang napanaginipan ko na ito ah".  Napansin mo ba sa mga panaginip natin ay kung saan saan tayo napupunta, halimbawa nanaginip ka na nasa loob ka ng bahay nyo tapos may kumatok at binuksan mo yung pinto pag-bukas mo ng pinto ay nasa mall kana, meron din may mga kakaibang imahe di lang sa mga palabas sa TV makikita, tulad ng mga alien, insektong malalaki, maliit na tao, nagkakaroon ka ng pambihirang katangian, tulad ng panaginip ko nakakatalon ako ng mataas. May panaginip naman na nakakatakot at eto ang bangungot. Meron din naman pang romansa  "WET DREAMS" atbp. Pero nasabi mo naba sa sarili mo habang nanaginip ka na "PANAGINI LANG TO" kahit na alam mong immposible ang mga nakikita mo?

 
   
 

Lycos MP3 Search

Artist or Song Name: